Wikang Filipino'y Mahalin, Gamitin at Palaganapin

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda."
-Dr. Jose Rizal
Pilpino tayo’t kulay kayumanggi
May sariling wika na dapat ipagmalaki
Mahalin ito’t gamiting mabuti
Dahil ito’y para rin sa ating ikabubuti.
Wikang Filipino’y pahalagahan at mahalin
Sama-sama natin itong palaganapin
Saanman pumaroon, ito ay gamitin
Upang tuwid na daan ay ating tatahakin.
Kaibigan, ano pa’ng hinihintay niyo?
Gamitin ito’t, magkakaunawaan tayo
Magkaisa tayo’t isigaw sa mundo,
“Pilipino ako’t Filipino ang wika ko.”
“Pilipino ako’t Filipino ang wika ko.”